Hindi solusyon ang extension ng Martial Law sa problema ng mga kababayan natin sa Mindanao. Sa buong panahon na nasa ilalim ng Martial Law ang Mindanao, hindi umangat ang kabuhayan ng mga kababayan natin doon, hindi nadagdagan ang trabaho para sa mga nangangailangan nito, hindi bumaba ang presyo ng mga bilihin bagkus ay nawalan pa ng maayos ng tirahan at maalwan na pagaaral ang mga kailangang lumikas ng kanilang mga tahanan dahil sa takot at kaguluhan.
Wag tayong makisayaw sa tugtog na pilit nilang pinapasunod sa ating lahat. ChaCha ito ni Gloria at ng mga trapo para mapanatili sila sa pwesto. Hangga't nananatiling malaya at di sunod-sunuran ang Senado, wag natin silang hayaang magtagumpay.